737 MAX posibleng magbalik-operasyon sa Enero

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2019 - 07:40 AM

Inaasahan ng Boeing na makababalik na sa operasyon ang 737 MAX airplane matapos itigil ang paggamit nito dahil sa dalawang aksidenteng kinasangkutan na ikinasawi ng 346 na katao.

Sa pahayag sinabi ng Boeing na umaasa silang makatatanggap na ng certification mula sa Federal Aviation Administration (FAA).

Sa ngayon ay sumasailalim na sila sa final validation at ina-update na nila ang training requirements.

Ang mga 737 MAX plane ay grounded sa buong mundo simula noong Marso matapos ang malagim na aksidente ng eroplano ng Lion Air noong October 2018 at ng Ethiopian Airlines plane noong March 2019.

Bago makapag-resume sa commercial flights sasalalim sa evaluation ng multi-regulatory body ang Boeing para muling aralin ang kanilang training requirements.

TAGS: 737 MAX, Boeing, commercial flights, Federal Aviation Administration, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 737 MAX, Boeing, commercial flights, Federal Aviation Administration, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.