LPA sa loob ng PAR posibleng maging bagyo sa loob ng 48 oras, pangangalanang #RamonPH

By Rhommel Balasbas November 12, 2019 - 05:10 AM

Patuloy na binabantayan ang isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 910 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.

Malaki ang posibilidad na maging bagong bagyo ang LPA at papangalanan itong ‘Ramon’.

Pinaghahanda na ng PAGASA ang Northern, Central at Southern Luzon bunsod ng sama ng panahon.

Ngayong araw, dahil sa northeast monsoon o Amihan, makararanas ng makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan sa Northern Luzon at Central Luzon.

Dahil naman sa LPA. kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bicol Region, buong Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Zamboanga Peninsula.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa, mainit na panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Calayan
  • Babuyan
  • Cagayan
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Isabela
  • Aurora
  • Camarines Provinces
  • Catanduanes
  • Eastern coast ng Albay
  • Eastern coast ng Sorsogon
  • Eastern coast ng Quezon kasama ang Polilio Island

TAGS: #RamonPH, low pressure area (LPA), Pagasa, Philippine Area of Responsibility (PAR), #RamonPH, low pressure area (LPA), Pagasa, Philippine Area of Responsibility (PAR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.