Panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK Elections niratipikahan na

By Rhommel Balasbas November 12, 2019 - 01:47 AM

CDN PHOTO/JUNJIE MENDOZA

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang maipagpaliban ang May 11, 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito ay matapos ratipikahan ng 18th Congress ang bicameral conference committee report sa panukalang ipagpaliban ang eleksyon.

Agad na ipapadala ang final copy ng panukala sa Malacañang para sa pirma ni Duterte.

Sa naratipikahang panukala, ang halalan ay itinakda na sa December 5, 2022.

Kapag napirmahan ng presidente, maipagpapatuloy ng incumbent elected barangay at SK officials ang implementasyon ng mga polisiya at programa na naapektuhan ng pagkakabalam sa 2019 budget.

Uupo rin sila ng limang taon sa pwesto mas mahaba sa kasalukuyang dalawang taon.

Sakaling mapirmahan ni Duterte ang pagpapaliban sa 2020 BSKE, dalawang eleksyon ang magaganap sa 2022 dahil magaganap din ang presidential elections sa buwan ng Mayo.

 

TAGS: 18th congress, barangay election, bicameral conference committee report, ipagpaliban, niratipikahan, Sanggunian Kabataan election, 18th congress, barangay election, bicameral conference committee report, ipagpaliban, niratipikahan, Sanggunian Kabataan election

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.