Pamunuan ng PAL, nagluluksa sa pagpanaw ni Lucio “Bong” Tan, Jr.
Nagluluksa ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa pagpanaw ng PAL Vice Chairman at PAL Holdings President na si Lucio “Bong” Tan, Jr.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng airline company na nakalulungkot ang pagpanaw ng itinuturing na anak, kapatid, asawa, ama, business
leader at sports enthusiast na nagsilbi sa LT Group of Companies sa nakalipas na dalawang dekada.
Hindi aniya makakalimutan ng mga nakasama sa trabaho ni Bong Tan, Jr. ang kaniyang non-traditional, ‘one-of-the-boys’ at hands-on leadership.
Hinikayat ng airline company ang lahat ng empleyado at sinumang nakasama nito na mag-alay ng panalangin.
Pumanaw si Bong Tan, Jr. bunsod ng brain herniation sa edad na 52.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.