WATCH: Term-sharing sa house speakership tuloy

By Erwin Aguilon November 11, 2019 - 03:50 PM

Kumbinsido si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na igagalang ni House Speaker Allan Peter Cayetano ang kasunduan nila sa term-sharing sa speakership ngayong 18th Congress.

Ayon kay Velasco, ito ay base sa gentleman’s agreement nila ni Cayetano ay sa Oktubre 2020 pa naman matatapos ang termino nito bilang lider ng Kamara.

Masyado pa rin naman anyang maaga para ito pag-usapan.

Sa ngayon sinabi ni Velasco na nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho bilang chairman ng House Committee on Energy at pagpasa ng mga panuklang batas na makakatulong sa pagpapababa ng singil sa kuryente sa bansa.

Magkakaroon pa rin ayon kay Velasco ng botohan para sa speakership post sa kabila ng kasunduan nila ni Cayetano.

Sinabi naman ni Cayetano na walang usapan na hindi masusunod ang kasunduan nila ni Velasco.

Hindi lamang anya maiiwasan na magkomento ang mga kongresitsa dahil sa mga magagandang nangyayari sa mababang kapulungan.

Kung mayroon naman anyang pagbabago ay sila ni Velasco ang unang mag-uusap.

Gayunman, sinabi nito na ang pangulo pa rin bilang pinuno ng koalisyon ang magpapasya kung matutuloy ang term-sharing.

Sa kasunduan, si Cayetano ay binigyan ng 15 buwan para sa Speakership post at ang nalalabing buwan sa 18th Congress ay ibibigay kay Velasco.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS: 18th congress, Cayetano, house speaker, velasco, 18th congress, Cayetano, house speaker, velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.