Davao Oriental at Davao Occidental niyanig ng lindol
Unang niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 121 kilometers Southeast sa bayan ng Governor Generoso, ala-1:11 ng hapon ng Lunes (November 11) at may lalim na 28 kilometers.
Samantala, magnitude 3.1 na lindol naman ang naitala sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa 122 kilometers Southeast Jose Abad Santos, ala-1:15 ng hapon at may lalim na 27 kilometers.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.