Larawan ng pulis na bumaril sa broadcaster sa Dumaguete City inilabas ng pulisya

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 12:49 PM

Inilabas ng Centra Visayas police ang larawan ng pulis na siyang bumaril sa broadcaster na si Dindo Generoso sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ayon kay Brig. Gen. Valeriano De Leon, Central Visayas police chief, ang suspek ay kinilalang si Cpl. Roger Rubio na nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company.

Ani Valeriano maaring nasa Negros lang ang pulis at hindi pa nakalalayo.

Si Rubio ang itinuturong gunman sa kaso ng pagpatay kay Generoso at isa sa dalawa pang suspek na tinutugis ng pulisya.

Ang isa pang pinaghahanap na suspek ay ay nakilalang si Tomacino Aledro na isa umanong gambling lord.

Ang dalawa pang suspek ay una nang nadakip na sina Teddy Reyes Salaw at Glenn Corsame.

Ayon kay Col. Julian Entoma, Negros Oriental police chief, isang concerned citizen ang nag-alok ng P80,000 na pabuya para sa ikadarakip ng dalawa pang suspek.

Sa ngayon ani Entoma, marami pang naghahayag ng interest na mag-donate ng reward money.

Sinasabing si Aledro ay nakalabas na ng bansa at nasa Amerika na.

Nakikipag-ugnayan naman na ang pulisya sa Bureau of Immigration hinggil dito.

TAGS: ambush, dindo generoso, Dumaguete City, media killing, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, dindo generoso, Dumaguete City, media killing, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.