Binabantayang LPA ng PAGASA nakapasok na ng bansa
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,100 kilometers east ng Virac, Catanduanes.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, ang nasabing LPA ay inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa susunod na mga araw.
Sa ngayon, apektado na ng buntot ng bagyo ang eastern section ng bansa.
Sa susunod na mga araw, maging ang western section ng Pilipinas ay makararanas na ng pag-ulan dahil sa naturang LPA.
Inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na dalawang araw at papangalanan itong “Ramon”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.