Big time rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2016 - 06:32 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OIL(Update) Nakatakdang magpatupad ng big time rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.

Tinatayang nasa P1.30 hanggang P1.50 ang ibabawas sa kada litro ng diesel habang P1.00 naman hanggang P1.20 ang ibabawas sa gasolina.

May rollback din sa presyo ng diesel na maglalaro sa P1.20 hanggang P1.30

Nauna namang nag-abiso ang kumpanyang Shell sa ipatutupad nilang rollback bukas.

Ayon sa Shell, rollback na P1.45 sa kada litro ng diesel, P1.25 na rollback sa kada litro ng kerosene at P1.00 sa kada litro ng gasolina ang ipatutupad bukas mula alas 6:00 ng umaga.

Ang rollback ay bunsod pa rin ng pagbagsak ng presyo ng petrolyo sa world market.

Dahil sa sunod-sunod na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo, mas mababa na ngayon sa P25 kada litro ang halaga ng diesel.

Muli namang nabuhay ang mga panawagang magpatupad ng rollback sa halaga ng pamasahe dahil mababa nang presyo ng oil products.

TAGS: oil price big time rollback, oil price big time rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.