Dalawang barangay sa Toledo City, Cebu apektado ng fly infestation

By Jimmy Tamayo November 11, 2019 - 09:33 AM

Pinaiimbestigahan na ng pamahalaang lokal ng Toledo City ang poultry farm na pinaniniwalaang pinagmumulan ng libu-libong langaw na namemerwisyo sa kalapit na lugar.

Nagrereklamo ang mga residente sa dalawang barangay sa paglipana ng langaw na nagiging sanhi umano ng pagkakasakit ng mga tao.

Ang poultry farm ay pag-aari ng isang Emil Oberes na todo tanggi sa alegasyon na ang kanilang manukan ang sanhi ng pagdami ng mga langaw sa kalapit barangay.

Ayon kay Jerry Oberes, anak ng may-ari ng manukan nagpapatupad sila ng tamang sanitasyon sa kanilang pasilidad at bukas sila sa anumang imbestigasyon.

Napag-alaman pa na naipasara na ang nasabing poultry farm dalawang taon na ang nakalipas at muli itong nagbukas noong Setyembre.

Bukod sa barangay Cambang-ug, apektado na rin ng fly infestation ang kalapit na barangay General Climaco.

TAGS: cebu, fly infestation, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, toledo city, cebu, fly infestation, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, toledo city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.