Vendors hindi na papayagan sa Ilaya, Divisoria dahil sa hindi nila paglilinis ng basura

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 06:34 AM

Nadismaya si Manila Mayor Isko Moreno nang personal na makita ang tambak na basura sa bahagi ng Ilaya sa Divisoria.

Ayon kay Moreno, pinayagang manatili ang mga vendor sa nasabing lugar pero kailangan nilang sumunod sa mga alituntunin ng lokal na pamahalaan.

Gayunman, nang mag-ikot sa Divisoria ngayong umaga ng Lunes (Nov. 11) ang alkalde ay nadatnan nito ang tambak na basura sa Ilaya sa bahagi ng Binondo.

“Matapos bigyan ng pagkakataong mamuhay ang ilang mga vendor sa Divisoria, tambak-tambak na basura naman ang isinukli nito sa taumbayan,” ani Moreno.

P40 lamang ang singil ng City Government sa mga vendor. P20 dito ay sinisingil sa umaga at P20 sa hapon.

Ayon kay Moreno, hindi na nga nagbabayad ng mahal sa pwesto ang mga vendor, hindi pa nila magawang maglinis.

Dahil sa tambak na basurang nakita ng alkalde ay hindi na muli papayagan ang pagtitinda sa Ilaya – Binondo side.

“Hindi ba kayo nahihiya o talagang baboy kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh. Wala, walang kusa,” dagdag pa ni Moreno.

TAGS: Basura, Binondo, Divisoria, ilaya, manila, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, vendors, Basura, Binondo, Divisoria, ilaya, manila, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, vendors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.