WATCH: Pangulong Duterte, magtutungo sa South Korea para sa ASEAN-ROK Commemorative Summit

By Chona Yu November 10, 2019 - 02:52 PM

Biyaheng abroad na naman sa buwan ng Nobyembre si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na pinayuhan ang pangulo ng kaniyang mga doktor na bawasan ang trabaho at magpahinga dahil sa nararanasang muscle spasm bunsod ng pag-semplang sa motorsiklo kamakailan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na biyaheng South Korea ang pangulo para sa Association of Southeast Asian Nations-Repuiblic of Korea Commemorative Summit sa Busan.

Nakatakdang ganapin ang pagpupulong sa November 25 hanggang 26.

Ayon kay Panelo, maaring magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte at South Korean president Moon Jae-In.

Kabilang sa mga maaring talakayin ng dalawang lider ang usapin patungkol sa kalakalan, seguridad, at lahat ng common concerns ng dalawang bansa.

“Yes tuloy siya. Kapag mayroong foreign visit, palaging may bilateral. Kung ano ang dapat na pag-usapan kaugnay sa pangangalakal, sa seguridad, lahat ng common concerns ng dalawang bansa na nagmi-meet. ‘Yan ang laging pinag-uusapan. Palagi namang SOP yan,” pahayag ni Panelo.

June 2018, huling bumiyahe si Pangulong Duterte sa South Korea.

Sa huling bisita ng pangulo, napaigting ng dalawang bansa ang usapin sa defense, security, trade, infrastructure project at iba pa.

Narito ang ulat ni Chona Yu:

TAGS: ASEAN-ROK Commemorative Summit, Rodrigo Duterte, south korea, South Korean President Moon Jae-in, ASEAN-ROK Commemorative Summit, Rodrigo Duterte, south korea, South Korean President Moon Jae-in

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.