Drayber ng jeep, arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Angellic Jordan November 10, 2019 - 02:42 PM

Arestado ang isang drayber ng jeep sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City, Sabado ng hapon.

Ayon kay Joel Plaza, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR), nakilala ang suspek na si Dante Peñaranda, 44-anyos.

Isinailalim aniya sa surveillance ng mga operatiba ng PDEA RO-NCR Eastern District Office (EDO) si Peñaranda nang isang buwan matapos makatanggap ng mga ulat sa ilegal na transaksyon nito ng droga.

Nakabili kasi aniya ang PDEA agent na poseur buyer sa operasyon ng ilegal na droga sa suspek sa isang gasoline station sa E. Rodriguez Avenue, Barangay Kristong Hari bandang 4:30 ng hapon.

Nakuha sa suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu. May bigat itong 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000.

Nakuha rin sa suspek ang dalawang cell phones, isang identification card at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Dante Peñaranda, PDEA RO-NCR, quezon city, shabu, buy bust operation, Dante Peñaranda, PDEA RO-NCR, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.