PMA itinangging may foul play sa pagkalunod ng kadete
Bagamat may nakitang ilang iregularidad, inihayag ng Philippine Military Academy (PMA) na sadyang nalunod at walang foul play sa pagkamatay ng isa pang kadete.
Isinantabi ng PMA na may foul play sa pagkamatay ni 4th class cadet Mario Telan Jr. sa gitna ng swimming training.
Ayon sa PMA, base sa CCTV footage, nalunod si Telan habang nasa gitna ng pagsasanay sa paglalangoy sa campus swimming pool.
Paliwanag ni PMA Public Affairs chief Captain Cherryl Tindog, walang nakakita na hindi na nakaahon mula sa swimming pool ang kadete.
Pero binanggit ni Tindog ang ilang pagkakamali sa gitna ng swimming training.
Kabilang ang kawalan ng pagbibilang sa mga kadete bago at matapos ang pagsasanay.
Gayundin ang hiwalay na aktibidad ng ilang kadete sa kabilang bahagi ng swimming pool gayung 2 lamang ang instructors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.