LOOK: Mga nakaw na cellphone nakumpiska sa Maynila
Umabot na sa mahigit 300 na mga nakaw na cellphone ang nakumpiska ng mga otoridad sa Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, ang pagkakumpiska sa higit 300 na mga cellphone na hinihinalang GSM o “galing sa magnanakaw” ay bunsod ng mahigpit na pagpapatupad ng anti-fencing law ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT).
Ang mga mobile phones ay nasamsam mula sa mga nagtitinda sa iba’t ibang mall sa lungsod.
Pinayuhan ng MPD-SMaRT ang sinumang nanakawan ng cellphone na pumunta sa ground floor ng Manila City Hall para tingnan kung isa mga ito ang kanilang pag-aari.
Matatandaan na nagbanta dati si Mayor Isko Moreno na ipapasara ang mga establisyimento na nagbebenta ng mga nakaw na gamit gaya ng cellphone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.