Interesado si Hollywood Actor Leonardo DiCaprio na gumanap bilang si Russian President Vladimir Putin sa isang pelikula.
Ayon sa 6-time Oscar nominated actor, nakikinita-kinita na niya ang kanyang sarili bilang si Putin.
Sinabi ni DiCaprio na nagkaharap na sila ni Putin noong 2010 nang dumalo siya sa Internation Forum on Tiger Conservation sa St. Petersburg.
Sa katunayan, ani DiCaprio, hindi politika ang napag-usapan nila ni Putin kundi ukol sa mga hayop.
Si DiCaprio ay nakapaglaan na ng pondo sa iba’t ibang proyekto na layong protektahan ang mga hayop gaya ng wild cats.
Kung hindi naman maisasakatuparan sa ngayon ang pagganap bilang Putin sa isang pelikula, sinabi ni DiCaprio na bukas siya na gampanan ang iba pang Russian personalities tulad ni Communist revolution leader Vladimir Lenin at peasant-turned-emperor-shaman Grigori Rasputin.
Si DiCaprio ay nominadong muli sa Oscars dahil sa kanyang karakter sa pelikulang ‘The Revenant.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.