20 bahay winasak ng malaking alon sa Mindoro

By Jimmy Tamayo November 09, 2019 - 11:23 AM

Winasak ng malaking alon ang nasa mahigit dalawampung bahay sa Barangay Paluan, Sablayan sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Sa pahayag sa Inquirer ni Edward Emmanuel Yambao ng municipal disaster risk and reduction management office, nasa 10 hanggang 12 barangay na malapit sa baybaying dagat ang tinamaan ng tidal wave na may limang metro ang taas.

Aabot naman sa 50 bahay ang nagkaroon ng pinsala at nasa 58 motorized banca ang winasak ng hampas ng malaking alon.

Ang malaking alon ay dulot ng Bagyong Quiel.

Kinailangan namang lumikas mula sa kanilang bahay ng nasa 11,962 na residente na naapektuhan ng bagyo at pansamantalang nanirahan sa mga paaralan at barangal halls na ginawang evacuation center.

TAGS: Occidental Mindoro, Quiel, Sablayan, Occidental Mindoro, Quiel, Sablayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.