Katatagan ng pondo ng SSS, dapat isaalang-alang ng Kamara bago i-override ang Aquino veto

By Isa Avendaño-Umali January 17, 2016 - 05:36 PM

SONNY-HERMINIO-COLOMAUmapela ang Malakanyang sa mga mambabatas na ikunsidera ang kahalagahan ng ma-stabilize ang pondo ng Social Security System o SSS at ang tatlumpung milyong active member nito, bago itulak ang pag-override sa veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS pension hike bill.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mas makabubuti kung maghihinay-hinay ang mga mambabatas sa pagtutulak na mai-override ang veto ni Pnoy.

Gaya aniya ng naunang pahayag ni Presidente Aquino, bilang kasalukuyang tatay ng bansa, hindi niya dapat hayaang maging batas ang isang panukala na magdudulot lamang ng mas malaking problema para sa susunod na administrasyon.

Dagdag ni Coloma, importante para sa Aquino administrasyon na isaalang-alang ang epekto ng bawat desisyon para sa kinabukasan at interes ng nakararaming Pilipino.

Noong nakaraang linggo, na-veto ni Pangulong Aquino ang SSS pension increase bill na layon sanang pagkalooban ng 2000 pesos across-the-board increase ang buwang pensyon ng nasa 2.15 million pensioners.

Pero, mariing inalmahan ito ng ilang Mambabatas, kaya isinusulong ang pag-override sa President’s veto na nangangailangan ng 2/3 votes ng Senado at Kamara.

 

TAGS: Aquino veto, SSS pension hike bill, Aquino veto, SSS pension hike bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.