Naaresto ng Indonesian police ang labingdalawa katao na pinaniniwalaang may kinalaman sa pag-atakeng naganap sa Jakarta, Indonesia noong Huwebes.
Ayon kay Indonesia Police Chief Badrodin Haiti, isa sa mga labindalawang suspek na naaresto ay pinaghihinalaang tumanggap ng money transfer mula kay Bahrun Naim na pinaniniwalaang utak umano ng naturang pag-atake.
Ang pera aniya na mula kay Naim ang posibleng pinanggastos para maisakatuparan ang marahas na pag-atake sa Jakarta.
Sinabi rin ni Haiti na patuloy pa ring nasa high alert status ang mga pulis sa Jakarta dahil sa nakalap na impormasyon ng posibleng muling pag-atake mula sa isang encoded message.
Noong Huwebes, umabot sa dalawampu’t walo katao ang nasawi kabilang na ang isang Indonesian at Canadian matapos ang pag-atake ng isang suicide bomber at mga gunman sa harap ng isang coffee shop sa Jakarta, Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.