Pagtaas ng halaga ng alak solusyon sa malakas na pag-inom ng mga Filipino – Sen. Pia Cayetano

By Jan Escosio November 08, 2019 - 05:00 PM

File Photo

Gusto ni Senator Pia Cayetano na ang mga bagay na nakakasama sa kalusugan ng tao ay mataas ang presyo.

Ito aniya ang dahilan kaya’t itinutulak niya na madagdagan ang buwis sa mga nakakalasing na inumin.

Sinabi pa ni Cayetano na nakakaalarma na ang paglaganap ng bisyo ng paglalasing sa mga Filipino.

Ito ang iginiit ni Cayetano sa pakikipag debate niya para sa Senate Bill 1074, na layon madagdagan ang excise tax na nakapatong sa mga alak at electronic cigarettes.

Iginiit ng senadora na maging ang World Health Organization ay nababahala na sa malakas na konsumo ng mga nakakalasing na inumin hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Dito sa Pilipinas base sa 2018 Expanded National Nutrition Survey ng DOST, 55.7 porsyento ng mga adult Filipinos ay malakas ang konsumo sa alak.

Dagdag pa ng senadora may pag-aaral kung saan ikinukunsidera na mas mapanganib pa ang alak kumpara sa ilang droga.

TAGS: 2018 Expanded National Nutrition Survey, filipino, malakas na pag-inom, Pagtaas ng halaga ng alak, Sen. Pia Cayetano, World Health Organization, 2018 Expanded National Nutrition Survey, filipino, malakas na pag-inom, Pagtaas ng halaga ng alak, Sen. Pia Cayetano, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.