53 miyembro ng New People’s Army sumuko sa mga sundalo sa Nueva Ecija
Aabot sa limampu’t tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa Carranglan, Nueva Ecija.
Ayon kay Lt. Col. Honorato Pascual Jr., ng Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, sinabi ng mga sumukong rebelde na pagod na sila sa kanilang ginagawa.
Ang mass surrender ay resulta ng joint efforts 84th IB, 7th Civil-Military Operations Battalion, Barangay Peace and Order Council at Barangay Task Force.
Dahil sa pagsuko ay maari silang makatanggap ng benepisyo gaya ng ibinibigay ng pamahalaan sa mga nagbabalik-loob na rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.