6-kilometer bypass road sa Lopez, Quezon bukas na sa mga motorista
Inaasahang mas mapapabilis na ang biyahe sa southern part ng Quezon Province patungong Bicol Region.
Pormal nang binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna ni Secretary Mark A. Villar ang 6.053 kilometers Lopez Bypass Road Project sa Manila South Road-Daang Maharlika Highway.
Ginawa ang ceremonial inauguration araw ng Biyernes (November 8 ).
Ayon kay Villar, ginastusan ng P718 million ang Lopez Bypass Road Project.
Sinimulan ang bypass road Noong May 2015 na bumabagtas sa mga barangay ng Del Pilar, San Lorenzo, bahagi ng Peñafrancia, Danlagan, Bacungan at Canda Ilaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.