Pagsasapubliko ng bicam para sa panukalang 2020 bugdet, magiging “circus” – Cayetano

By Erwin Aguilon November 07, 2019 - 07:21 PM

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging “circus” lamang ang bicameral conference committee sa deliberasyon ng P4.1-trillion national budget para sa 2020 sa sandaling buksan ito sa publiko.

Ayon kay Speaker Cayetano, bagamat suportado nila ang anumang panukala para maging transparent ang 2020 national budget ay dapat pa rin itong ipaalam kay Senador Sonny Angara na chairman ng Senate Finance committee at Davao Rep. Isidro Ungab, chairman ng House Appropriations committee.

Giit pa niya, hindi sila takot sa transparency, subalit ayaw naman nilang maging “circus” ang bicam kapag ni-live ito dahil maraming magpa-play sa media at sa gallery sa halip na pag-usapan talaga kung paano ang budget.

Nauna nang sinabi ni Lacson na dapat makita ng publiko ang bicameral meeting dahil mayroon pang ibang amendments ang isinisingit at ini-introduce ng bawat isang kongresista.

Para kay Cayetano, dapat ang Senado ang unang maghain ng formal proposal sa Kamara para maging open sa public ang bicameral bago magdesisyon ang Kamara dahil sa ngayon ay isang senador lang naman ang may gusto nito.

Reaksyon ito ni Cayetano sa pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na para maging transparent ay dapat na buksan sa publiko ang budget deliberation.

TAGS: 2020 national budget, Alan Peter Cayetano, Bicameral Conference Committee, P4.1-trillion national budget, 2020 national budget, Alan Peter Cayetano, Bicameral Conference Committee, P4.1-trillion national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.