P1B contingency fund ng Office of the President gagamitin na para sa ASF
Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ni Agriculture Secretary William dar na gamitin ang natitirang contingency fund ng office of the president para tugunan ang problema sa African Swine Fever (ASF) na tumama sa mga baboy sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pag-apruba sa cabinet meeting kagabi sa Malakanyang.
Sinabi naman ni Secretary Dar na P1 bilyon ang hiningi nilang contingency fund.
Partikular na paglalaanan ng pondo ang pagbabayad sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF, paglalagay ng cold storage areas sa mga pantalan sa Maynila, Subic, Batangas, Cebu at Davao para sa 100 percent na monitoring ng meat products entry.
Una nang sinabi ng DA na nagpositibo sa ASF ang mga imported na karne galing China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.