Pista ng Santo Niño dinagsa sa Maynila at Cebu
Libu-libong mga deboto ang nakiisa sa prusisyon ng Santo Niño sa Tondo sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ng pamaunuan ng Manila Police District na sa kabuuan ay naging maayos naman ang prusisyon pero sila’y mananatiling naka-alerto lalo na sa magdamag kung saan ay naging bahagi na ng selebrasyon ang inuman.
Kanina ay ipinarada ng mga deboto ang kani-kanilang mga wooden replica ng Santo Niño kung saan ay natapos ang prusisyon sa Tondo Church.
Samantala, sa lungsod ng Cebu ay naging makulay din ang Sinulog festival kung saan ay maraming mga turista ang nagpunta sa lungsod para makiisa sa pagdiriwang.
Muling narinig ng mga deboto ang kampana ng Simbahan sa lungsod na grabeng napinsala ng lindol noong 2014.
Kapansin-pansin naman na kakaunti ang nakasama sa ginanap na fluvial parade dahil sa paghihigpit na ipinatupad ng organizing committee at mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.