VP Robredo handang alalayan ni Pangulong Duterte sa war on drugs

By Chona Yu November 07, 2019 - 07:40 AM

Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na alalayan at ayudahan si Vice President Leni Robredo sa war on drugs.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay kung hihingi ng tulong si Robredo sa pangulo.

Pero sa ngayon, hahayaan na muna ng palasyo si Robredo na maglatag ng sariling diskarte matapos tanggapin ang alok na maging co-chairperson ng inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD).

Naging ugali na aniya ng pangulo na hindi makialam sa pamamalakad ng iba’t ibang departamento maliban na lamang kung nagpapasaklolo.

Paglilinaw ni Panelo, hindi pakikiaalam kundi pagtulong lamang ang gagawin ng pangulo.

TAGS: drug czar, Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Leni Robredo, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, drug czar, Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Leni Robredo, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.