M3.7 at M3.8 aftershocks naitala sa Cotabato
Niyanig ng dalawang aftershocks ang Cotabato Huwebes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, alas-12:37 kanina nang tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa lalawigan.
Naitala ang episentro nito sa layong 15 kilometro Hilagang-Silangan ng Makilala.
May lalim itong 22 kilometro.
Eksakto ala-1:00 naman nang yumanig ang magnitude 3.8 na lindol sa layong 18 kilometro Hilagang-Silangan pa rin ng Makilala.
May lalim din itong 22 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.