Vice Ganda binanatan ng brodkaster ng istasyong pagmamay-ari ni Quiboloy

By Rhommel Balasbas November 07, 2019 - 12:24 AM

(Story updated) Rumesbak para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang isang brodkaster mula sa istasyon niyang Sonshine Media Network International (SMNI).

Ito ay matapos ang pagsama ni Vice Ganda kay Quiboloy sa punchline sa episode ng It’s Showtime.

Ginawang katatawanan ang umano’y pagpapahinto ni Quiboloy sa lindol sa Mindanao at sinabihan itong napakayabang.

Hamon ni Vice, pahintuin din ni Quiboloy ang airing ng teleseryeng ‘Probinsyano’ at ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

“So, ano? Hinahamon kita Quiboloy, pahintuin mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh. Sabi niya raw ‘stop’. Sige nga, punta kang gitna ng EDSA, stop mo yung traffic doon. ‘Stop!’ Iba ka Quiboloy,” ani Vice.

Hindi nagustuhan ng mga miyembro ng Quiboloy-founded church na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. ang punchline ni Vice.

Bagama’t hindi umano siya miyembro ng Kingdom of Jesus Christ, nagngitngit sa galit ang brodkaster na si Mike Abe at idinepensa si Quiboloy.

Ayon kay Abe, hindi mayabang si Quiboloy, simple lamang ito at lahat ng ginagawa nito ay pagtulong lamang.

“Ito ha, sasabihin ko, sasabihin ko po sa inyo nang direktahan na ngayon, ha. Trabaho lang po ito, ito ho, personal ko po ito, ha. Wala hong kinalaman itong programang ito, itong network na ito. Hindi po ako member ng Kingdom. Yung pagrespeto ko kay Pastor, mahigit pa siguro sa member. Grabe po ang pagrespeto ko kay Pastor Quiboloy. Hindi po siya ganun. Lahat sa kanya, tulong. Lahat ho siya ay bigay, kahit hindi kakilala, tinutulungan. Kahit hindi kilala, dinadamitan, pinapakain, pinag-aaral, kinakausap pag may oras. Ganun po siya. Walang kayabang-yabang. Simpleng-simple lang. Hindi po totoo yung sinabi ni Vice K na mayabang si Pastor, hindi ho totoo yun,” ayon kay Abe.

Kinastigo rin ng brodkaster ang ABS-CBN at sinabing puro pera at ratings lang ang gusto ng istasyon.

Dapat anyang pagsabihan ng ABS-CBN ang komedyante at hinimok rin ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na makialam sa isyu.

Nanindigan pa si Abe na totoong ‘Appointed Son of God’ ang pastor.

“…Kilala ko siya, higit pa ho sa kung kanino, pero sasabihin niyo mayabang? Paano… mukha pa lang… Paano sasabihing mayabang ang mukha? Napakabait. Appointed Son of God talaga ‘yan. Walang ginawa kung hindi tumulong sa tao, Ipinagdadasal tayo kahit hindi niyo alam pati ikaw Vice K ipinagdadasal ka, kasama diyan tapos iinsultuhin mo sasabihin mo mayabang,” dagdag ng brodkaster.

Ayon kay Abe, sa 35 taon niya sa broadcast industry, walang batas na pumapayag para mambastos sa kapwa.

Minura ni Aban si Vice at nagbantang baka hindi niya alam ang kanyang magagawa kapag nagkasalubong sila ng komedyante sakaling gawing katatawanan ulit ang pastor.

“…Sa buong mundo, nirerespeto ‘yan. Mayroon siyang 7 million members tapos sasabihin mo mayabang? P****** ka. Vice K, huwag mong gagawin ulit yan at baka masalubong kita at hindi ko alam ang gagawin ko sa iyo,” banta ni Abe.

Umani ngayon ng samu’t saring reaksyon ang pahayag ng brodkaster.

TAGS: lindol stop, Mike Abe, Pastor Apollo Quiboloy, Vice-Ganda, lindol stop, Mike Abe, Pastor Apollo Quiboloy, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.