P6.8M halaga ng shabu, nasabat sa Quezon City

By Angellic Jordan November 06, 2019 - 10:07 PM

Nasamsam ang milyun-milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR), isinagawa ang operasyon sa isang shopping mall sa EDSA bandang 6:45 ng gabi.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Antonio Pepito, 49-anyos; at Judith Amansec, 48-anyos.

Nakuha sa dalawa ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, ilang identification card, cell phone at ginamit na buy-bust money.

Katuwang ng PDEA sa operasyon ang Northern District Office, Regional Special Enforcement Team at Quezon City Police District Drug Enforcement Unit.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Antonio Pepito, buy bust operation, Judith Amansec, PDEA, PDEA-NCR, quezon city, Republic Act 9165, shabu, Antonio Pepito, buy bust operation, Judith Amansec, PDEA, PDEA-NCR, quezon city, Republic Act 9165, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.