VP Robredo dapat magnilay-nilay muna ayon sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2019 - 08:01 AM

Matulog muna at magnilay-nilay.

Ito ang naging payo ng palasyo ng Malakanyang kay Vice President Leni Robredo bago desisyunan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar hanggang sa taong 2022.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas makabubuti kung pag-iisipan muna ni Robredo ang naturang sitwasyon at hindi puro ngawa sa media gaya ng naging pahayag kahapon ng kanyang kampo na kinakailangan munang amyendahan ang executive order number 15 dahil wala namang nakasaad sa kautusan ang pagiging drug czar ni Robredo.

Ayon kay Panelo, nakaiinis na kailangan pang turuan si Robredo at ang kanyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez na pareho namang miyembro ng bar na hindi na kailangan na amyendahan ang EO dahil may kapangyarihan naman si pang duterte lumikha ng mga posisyon o items o mag-reorganisa ng mga posisyon sa loob ng burukrasya.

Sinabi pa ni Panelo na mistulang kailangan ni Gutierrez na mag-aral muli o mag-update ng kanyang kaalaman sa mga batas sa Pilipinas.

Ayon kay Panelo, hindi naniniwala ang palasyo na hindi kakayanin ni Robredo ang mga hamon sa lipunan gaya ng pagresolba sa problema sa ilegal na droga.

Golden opportunity na aniya ito ni Robredo na hindi nankailangan palampasin lalot magsisilbing tanglaw sa kanyang destiny at naghihintay ang kasaysayan.

Una nang sinabi ni Panelo na maaring maging susi ni Robredo ang pagiging drug czar para maging susunod na pangulo ng bansa.

TAGS: drug czar, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice President Leni Robredo, War on drugs, drug czar, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice President Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.