Yellow rainfall warning nakataas sa Zambales

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 05:05 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa Zambales dahil sa nagpapatuloy na nararanasang mga pag-ulan bunsod ng Tropical Storm Quiel.

Sa abiso ng PAGASA alas-5:00 Miyerkules ng umaga, yellow warning ang umiiral sa lalawigan.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng mga pagbaha sa mga flood-prone areas.

Posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras ang pag-ulan sa naturang mga lugar.

Pinapayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na bantayan ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na advisory na ilalabas alas-8:00 ng umaga mamaya.

TAGS: Heavy Rainfall, Quiel, Tropical storm, yellow rainfall warning, zambales, Heavy Rainfall, Quiel, Tropical storm, yellow rainfall warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.