P2M ibibigay ng Baguio City sa quake-hit areas sa Mindanao at Batanes

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 04:47 AM

Nagpasa ang Baguio City Council ng resolusyon na layong bigyan ng P2 milyon ang mga lugar na natamaan ng lindol sa Mindanao at Batanes.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, P1.5 milyon ang ibibigay sa mga lokal na pamahalaan ng Mindanao na natamaan ng lindol.

P500,000 naman ang ibibigay ng lungsod sa Batanes na natamaan din ng lindol noong Hulyo.

Ang donasyon ng Baguio ay manggagaling mula sa kanilang Quick Response Fund.

Samantala, nananawagan din ng in-kind at cash donations ang lungsod na maaaring dalhin sa CDRRMC Evacuation Center Motorpool, Lowe Rock Quarry, City Camp.

 

TAGS: baguio city, batanes, donasyon, lindol, Mindanao, P2 milyon, Quick Response Fund, baguio city, batanes, donasyon, lindol, Mindanao, P2 milyon, Quick Response Fund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.