Crime rate sa paggunita ng Undas 2019 bumaba ng 9% ayon sa NCRPO

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 04:41 AM

Inanunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng siyam na porsyento ang bilang ng krimen sa nagdaang Undas kumpara noong 2018.

Sa press briefing araw ng Martes, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na mula October 28 hanggang November 3 ngayong taon mas mababa ang bilang ng naitalang krimen.

Pero nanatili umanong mataas ang bilang ng insidente ng pagnanakaw at physical injury.

Ayon kay Sinas, mula sa 62 noong nakaraang taon, umakyat sa 78 ang bilang ng theft cases.

Ang murder naman ngayong Undas 2019 ay umakyat sa pitong kaso, mula sa apat noong nakaraang taon.

Sa mismong mga araw naman ng paggunita ng Undas, sinabi ni Sinas na ‘drastic’ o malaki ang naging pagbaba sa bilang ng krimen o nasa 30 percent.

Ayon kay Sinas, noong October 31, 23 lang ang naitalang crime incident kumpara sa 39 noong nakaraang taon.

Noong November 1 naman, 20 lang ang naitalang crime incident mula sa 25 noong 2018.

Noong November 2, 12 lang ang naitalang crime incident mula sa 22 noong nakaraang taon.

Samantala, sa kabila ng paulit-ulit na paalala, marami pa rin ang nakuhang prohibited items sa mga sementeryo.

Bladed weapons – 174

Alcoholic drinks – 68

Sets of cards – 21

Karaoke sent – 1

Lighters and matches – 1,653

Flammable items – 6,734

Sinabi naman ni Sinas na naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Undas 2019.

 

TAGS: Brig. Gen. Debold Sinas, Crime rate, krimen, NCRPO, pagnanakaw, physical injury, prohibited items, sementeryo, Undas, Brig. Gen. Debold Sinas, Crime rate, krimen, NCRPO, pagnanakaw, physical injury, prohibited items, sementeryo, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.