Naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa Davao del Sur dakong 2:55 Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa silangan ng Davao City.
Tectonic ang pagyanig na may lalim na 44 kilometro.
Wala namang inaasahang aftershocks bunsod ng lindol.
Wala ring naitalang pinsala sa ari-arian kasunod ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.