Vice Ganda hinamon si Quiboloy na pahintuin ang ‘Probinsyano’ at masikip na traffic sa EDSA

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 12:56 AM

Tahasang hinamon ni Vice Ganda ang nagpakilalang ‘Appointed Son of God’ at ‘Owner of the Universe na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang pahayag ni Quiboloy noong nakaraang linggo na napahinto niya ang lindol sa Mindanao sa pamamagitan lang ng pagsigaw ng ‘Lindol, stop!’

Sa episode ng It’s Showtime araw ng Martes, napag-usapan ang primetime series na ‘Ang Probinsyano’ kung saan pare-parehong naging bahagi sina Vice, Jhong Hilario at ang ‘Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions’ contestant na si Gian Magdangal.

Ayon kay Vice dapat kabahan na si Cardo Dalisay, ang karakter ni Coco Martin dahil posibleng wakasan na ito ni Quiboloy.

Kung totoong napahinto ni Quiboloy ang lindol, sinabi ni Vice na dapat ay mapahinto rin ng pastor ang teleserye.

“Alam mo kung sino lang ang pinakamatinding magiging kalaban ni Cardo. Nako, kabahan na si Cardo. Ang pinaka-kalaban ni Cardo, feeling ko si Quiboloy, ‘yung nagpahinto ng lindol? Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Probinsyano abangan niyo ‘yan,” ani Vice.

Giit ni Vice, napakayabang ng church leader at hinamon din itong pumunta ng EDSA at pahintuin ang masikip na daloy ng trapiko roon.

“So, ano? Hinahamon kita Quiboloy, pahintuin mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh. Sabi niya raw ‘stop’. Sige nga, punta kang gitna ng EDSA, stop mo yung traffic doon. ‘Stop!’ Iba ka Quiboloy,” hirit ni Vice.

Umani ng katatawanan mula sa audience ang hamon ng komedyante.

Una nang binatikos ang Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. founder dahil sa pagmamalaking napahinto ang lindol sa Mindanao.

 

TAGS: Appointed Son of God, edsa, hamon, It's Showtime, Kingdom of Jesus Christ, lindol, Owner of the Universe, Pastor Apollo Quiboloy, probinsyano, stop, traffic, Vice-Ganda, Appointed Son of God, edsa, hamon, It's Showtime, Kingdom of Jesus Christ, lindol, Owner of the Universe, Pastor Apollo Quiboloy, probinsyano, stop, traffic, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.