#QuielPH isa nang Tropical Storm

By Rhommel Balasbas November 05, 2019 - 11:34 PM

Lumakas pa bilang Tropical Storm ang Bagyong Quiel kaninang alas-8:00 ng gabi ayon sa PAGASA.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 500 kilometro Kanluran, Timog-Kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay na nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo pa-Silangan sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Inaasahang lalakas pa at magiging Severe Tropical Storm ang bagyo sa loob ng 24 oras ngunit hindi naman tatama sa kalupaan ng bansa.

Ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, magdadala ng katamtaman hanggang paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang Tropical Storm Quiel at ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon, Zambales at Bataan.

Mahina hanggang katamtaman na minsan ay may bugso din ng malakas na ulan ang mararanasan sa Mindoro Provinces, Romblon, Palawan at Western Visayas.

Pinapayuhan ang mga residente lalo na ang nakatira sa delikadong mga lugar na mag-ingat sa posibilidad ng pagbahat at pagguho ng lupa.

Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa northen seaboards ng Northern Luzon at western seaboards ng Luzon.

 

TAGS: #QuielPH, Bagyong Quiel, gale warning, lumakas pa, Pagasa, pagbaha, pagguho ng lupa, Severe tropical storm, tail-end of a cold front, Tropical storm, #QuielPH, Bagyong Quiel, gale warning, lumakas pa, Pagasa, pagbaha, pagguho ng lupa, Severe tropical storm, tail-end of a cold front, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.