2 kampana ng Basilica Minore del Sto. Niño, muling pinatunog

By Kathleen Betina Aenlle January 16, 2016 - 04:02 AM

sto ninoMahigit dalawang taon na ang nakalipas nang yanigin ng mapaminsalang magnitude 7.2 na lindol ang Cebu City, na nag-sanhi ng pagkasira ng makasaysayang bell tower sa Basilica Minore del Sto. Niño.

Pero, alas-singko ng madaling araw, ilang araw bago ang pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño sa Cebu, muli nang narinig ng mga residente at mga deboto ang muling pagpapatunog ng dalawa sa anim na kampana ng nasabing simbahan.

Libu-libong deboto ang masigabong sumalubong sa imahen ng Sto. Niño sa pagdating nito sa daan-taon nang simbahan habang nagsisigawan ng “Viva Pit Señor!” pagkatapos ng prusisyon na nag-hudyat sa novena na magtatagal hanggang sa mismong pista ng Sto. Niño bukas, araw ng Linggo.

May temang “Sto. Niño: Wellspring of Mercy and Compassion” ang pista ng Sto. Niño ngayong taon, na sumasalamin sa selebrasyon ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy na idineklara ni Pope Francis.

Bukod sa mismong pista, ang muling pag-kabit ng mga kampana ay isang bagay rin na ipinagdiwang ng mga deboto.

Labis na ikinagalak ng retor ng basilica na si Fr. Jonas Mejares ang muling pagkakatayo ng kanilang bell tower na gumuho noong October 15, 2013 dahil sa malakas na lindol.

Natapos na ang mismong konstruksyon ng bell tower, pero may mga ilang finishing touches na lamang ang kulang.

Binantayang maigi ng National Historical Commission of the Philippines ang reconstruction ng nasabing bell tower, at ang proyektong ito ay pinaglaanan nila ng P13,670,672.90 halaga ng pondo.

TAGS: Basilica Minore del Sto. Niño bell tower, Basilica Minore del Sto. Niño bell tower

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.