VP Leni Robredo pormal nang itinalaga bilang pinuno ng inter-agency committee on anti-illegal drugs
Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang pinuno ng inter-agency committee on anti-illegal drugs.
Sa memorandum na nilagdaan ni Pangulong Duterte, nakasaad na itinatalaga si Robredo bilang co-chairperson ng nasabing komite.
May petsang October 31, 2019 ang memorandum pero ngayon lamang inilabas sa media ng palasyo.
Tatagal ang designation ni Robredo sa nasabing komite hanggang sa June 30, 2022 maliban na lamang kung babawiin ng pangulo ang kautusan.
Nakasaad din sa memorandum na inaatasan ang Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA), Philippine National Police, Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang law enforcement agencies na i-extend ang buong assistance at kooperasyon kay Robredo para matiyak ang tagumpay ng kampanya ng gobyerno sa war on drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.