Police battalion na nakatalaga sa LRT at MRT stations ibinalik sa kampo

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 12:58 PM

Iniutos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pag-pull out sa police battalion na nakatalaga sa mga istasyon ng Light Rail Transitn(LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ang naturang mga pulis ay bahagi ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng NCRPO.

Ayon kay NCRPO acting director Police Brigadier General Debold Sinas dapat ay nasa loob ng kampo ang mga pulis at hindi sa loob ng LRT1, LRT2, at MRT3 stations.

Papalitan naman sila ng mga pulis na mula sa mga district office na nakakasakip sa istasyon ng tren.

Halimbawa, mula sa istasyon ng MRT North Avenue hanggang Santolan ang magbabantay ay ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Mula naman sa Ortigas hanggang Boni stations ang magbabantay ay mga tauhan ng Eastern Police District (EPD).

Habang sa Guadalupe hanggang Taft Avenue stations ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang magbabantay.

TAGS: LRT, MRT, NCRPO, PH news, Philippines Breaking news, police battalion, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, LRT, MRT, NCRPO, PH news, Philippines Breaking news, police battalion, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.