Karinderya nasunog sa Mandaue City

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 10:07 AM

Tinupok ng apoy ang isang karinderya at nadamay ang dalawa pang katabing establisyimento sa sunog na naganap sa Barangay Tabok sa Mandaue City Martes, November 5 ng umaga.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Noel Codilla, fire investigator ng Mandaue City Fire Department, nag-umpisa ang sunog sa kusina ng kainan na pag-aari ng isang Baby Pintor.

Nagkaroon umano ng leak sa ginagamit na liquefied petroleum gas (LPG) tank dahilan para sumiklab ang apoy.

Ani Codilla, nang buksan ng cook ng karinderya ang kalan ay agad lumaki ang apoy.

Nagsimula ang sunog alas 6:18 ng umaga na agad ding naapula alas 6:40 ng umaga.

Wala namang nasaktan sa insidente pero napinsala din ang kisame ng kalapit na salon at photo studio.

TAGS: fire incident, LPG tank, Mandaue City, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire incident, LPG tank, Mandaue City, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.