Inflation rate para sa buwan ng Oktubre 2019 bumagal pa sa 0.8 percent
Mas bumagal pa ang inflation rate o ang pagsipa ng halaga ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) umabot lang sa 0.8 percent ang naitalang inflation noong Oktubre, mas mababa sa 0.9 percent noong Setyembre.
Ito na rin ang pinakamababang inflation sa kasaysayan mula noong May 2016 kung saan naitala din ang 0.9 percent.
Ayon sa PSA ang pagbaba ng inflation ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng mga pangunahing produkto gaya ng pagkain at non-alcoholic beverage.
Nakapag-ambag din ang bumabang halaga ng tubig, kuryente at produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.