Oil price rollback epektibo na ngayong umaga

By Rhommel Balasbas November 05, 2019 - 04:54 AM

Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang panibagong rollback ng sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Lahat ng kumpanya ng langis ay may bawas na P0.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.25 sa kada litro ng diesel.

Ang Petron, Shell at Caltex naman ay may bawas na P0.10 sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel noong Linggo ng hapon at sinundan ng Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Sa loob ng anim na linggong rollback, umabot na sa P2.15 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Limang beses naman nabawasan ang presyo ng gasolina na umabot na sa P2.80 kada litro.

Gayundin, limang linggong may tapyas sa presyo ng gaas na umabot sa P2.90 kada litro.

 

 

TAGS: diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, oil price, rollback, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, oil price, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.