Duterte at ilang kapwa lider hindi dumalo sa Asean-US Summit

By Len Montaño November 04, 2019 - 11:04 PM

ASEAN2019th Twitter

Kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider sa rehiyon na hindi dumalo sa pulong ng 35th Association of Southeast Asian Nations (Asean) sa Estados Unidos sa Bangkok, Thailand.

Si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang kumatawan kay Pangulong Duterte habang ang ibang miyembrong bansa ay kani-kanilang foreign ministers ang dumalo.

Nabatid na wala rin si President Donald trump sa Asean-US Summit.

Tanging ang chairman ng Asean Summit na si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha at sina Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith at Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc ang dumalo sa Asean-US Meeting.

Dumalo naman sa panig ang Amerika ang national security adviser ni Trump na si Robert O’Brien.

Hindi nakadalo si Trump dahil nangangampanya umano ito para sa kanyang mga kandidato sa pagka-gobernador.

TAGS: ASEAN-US Summit, DFA Sec. Teddy Locsin, hindi dumalo, Rodrigo Duterte, thailand, US Pres. Donald Trump, ASEAN-US Summit, DFA Sec. Teddy Locsin, hindi dumalo, Rodrigo Duterte, thailand, US Pres. Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.