Nagpaalala ang Phivolcs sa publiko na maaaring ma-predict ang oras at lugar kung saan tatama ang mga lindol.
Sa abiso sa Twitter, iginiit ng ahensya na fake news ang kumakalat na social media na posibleng yumanig na intensity 7.1 na lindol sa Metro Manila.
Sinabi ng Phivolcs na walang sapat na basehan para maglabas ng anumang babala ang tanggapan ukol sa umano’y nalalapit na malakas na lindol.
Dagdag pa nito, wala pang teknolohiya sa buong mundo na maaring makakalap ng impormasyon kung kailan mangyayari ang malakas na lindol.
Ang tangi lamang magagawa anila ng publiko ay maghanda sa epekto sa lindol.
Gayunman, nangako ang Phivolcs na patuloy silang magiging mapagmatyag sa mga lugar na pinagmumulan ng lindol para makapagbigay ng abiso at sapat na datos sa publiko.
Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na iwasan ang pagkakalat ng mga mensahe na hindi nanggaling sa kanila sa pamamagitan ng text message at internet.
Para sa mga beripikadong impormasyon, maaring bisitahin ang website ng Phivolcs o kanilang Facebook at Twitter account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.