Limang kadete ng PNPA, sangkot sa umano’y hazing incident kay Desiderio

By Angellic Jordan November 04, 2019 - 05:16 PM

Naisumite na ang affidavit-complaint ni Philippine National Police Academy (PNPA) Cadet 4th class John Desiderio ukol sa hinihinalang kaso ng hazing.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Lt. Col. Byron Allatog, tagapagsalita ng PNPA, na nasa limang kadete ng PNPA ang sinasabing sangkot sa umano’y hazing incident.

Hindi naman inilabas ni Allatog ang pagkakakilanlan ng mga kadete kasabay ng nakabinbing resolusyon sa kaso.

Bibigyan aniya ng 24 oras ang limang PNPA cadet para magpaliwanag bago maghain ng kasong administratibo laban sa kanila.

Unang isinugod si Desiderio sa PNPA dispensary noong October 29.

Kalaunan ay dinala sa PNP General Hospital at inilipat sa East Avenue Medical Center sa Quezon City dahil sa pananakit ng tiyan na hinihinalang nakaranas ng maltreatment.

TAGS: hazing, John Desiderio, PNPA, hazing, John Desiderio, PNPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.