Malacanang tiniyak kay Lacson na walang lulusot na “pork” sa nat’l budget

By Chona Yu November 04, 2019 - 04:57 PM

Hinihimok ng Malacanang si Senador Panfilo Lacson na i-identify ang dalawamput bilyong pisong kwestyunableng project na nakapaloob sa 2020 national budget.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na agad na tukuyin ni Lacson ang sinasabing parked project sa pambansang pondo.

Ipinaliwanag ng kalihim na tiyak kasing tatapyasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kwestyunableng proyekto lalo na kung pasok sa pork barrel funds.

May kapangyarihan si Pangulong Duterte na i-veto o tanggalin ang mga kwestyunableng project bago tuluyang aprubahan ang pambansang pondo.

Matatandaan na sa 2019 national budget, aabot sa halos P100 billion ang tinapyas ni Pangulong Duterte dahil sa mga kwestyunableng proyekto na isiningit sa pondo ng Department of Public Works and Highways.

Nauna nang sinabi ni Lacson na hindi niya palulusutin ang nakatagong pork sa panukalang budget.

TAGS: duterte, lacson, panelo, pork, duterte, lacson, panelo, pork

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.