LOOK: Drone images ng pinsala ng lindol sa bulubunduking bahagi ng Cotabato at Kidapawan City
Nasa delikadong sitwasyon ang mga komunidad na naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Mindanao na naapektuhan ng malalakas na pagyanig.
Kita sa drone shots ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang lawak ng pinsala ng lindol sa mountain-side communities sa Kidapawan City at Cotabato.
Napinsala ng landslides ang nasabing komunidad sa bahagi ng paanan ng Mt. Apo.
Ayon kay Mindanao Development Authority (MinDA) chairperson Manny Piñol ang naturang lugar ay dapat agad abandonahin ng mga residente.
Nagsasagawa ng data gathering ang MinDA para matukoy ang mga komunidad na hindi pa naabot ng relief efforts ng pamahalaan.
Gagawa din ng ang MinDA ng lahat ng mga biktima ng lindol.
Ayon kay Piñol ang datos na malilikom nila ay gagamitin para sa rehabilitation plans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.