89 na volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal
Umabot sa 89 na volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa Phivolcs sa nasabing mga pagyanig, naramdaman ang Intensity I sa Alas-as, San Nicolas at Tibag, Pira-piraso, Talisay, Batangas alas 3:17 ng madaling araw ng Lunes (Nov. 4).
Habang naitala naman ang Intensity II sa Tibag, Pira-piraso, Talisay, Batangas, alas 4:07 ng umaga.
Nananatili namang nakataas ang alert level 1 sa bulkan bunsod ng patuloy na aktibidad nito.
Pinapayuhan ang publiko na ang main crater ng bulkan ay nananatiling off-limits dahil sa steam explosions na maari pa ring maganap.
Ang northern portion ng main crater sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay delikado din sa posibleng steam emission.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.