Presyo ng mga produktong petrolyo may rollback muli ngayong linggo

By Rhommel Balasbas November 04, 2019 - 03:00 AM

Good news sa mga motorista.

May rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng Petron, Shell, Cleanfuel, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, P0.10 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.25 naman sa kada litro ng diesel.

Ang Petron at Shell naman ay may tapyas-presyo sa kerosene o gaas na P0.10 kada litro.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel epektibo alas-4:01 Linggo ng hapon.

Epektibo naman ang bawas-presyo ng ibang kumpanya ng langis alas-6:00 ng umaga, bukas, Martes (Nov.5).

Sa loob ng anim na linggong rollback, umabot na sa P2.15 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Limang beses naman nabawasan ang presyo ng gasolina na umabot na sa P2.80 kada litro.

Gayundin, limang linggong may tapyas sa presyo ng gaas na umabot sa P2.90 kada litro.

TAGS: oil price rollback, petroleum products, oil price rollback, petroleum products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.