Nasamsam ang hindi bababa sa P2 milyong halaga ng shabu sa Dumaguete City bago mag-tanghali, araw ng Linggo.
Ayon kay Lt. Col. Wilfredo Alarcon, officer-in-charge ng Dumaguete City Police Office, isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Purok Tugas sa Barangay Taclobo.
Nakilala ang mga suspek na sina Chira Joy Libradilla alyas “Komi” at Kentford Cabriana.
Nakuha sa dalawa ang 27 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 300 gramo, P1,000 marked money, cell phone, digital weighing scale, motorsiklo, kulay gray na sling bag, lighter at ilang walang laman na plastic.
Naging katuwang ng pulisya sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.